Sa ilalim ng ating konstitusyon, ang panukalang batas na lumagpas ng 30 araw na hindi napirmahan o tinanggihan ng presidente ay magla-“lapse” na bilang batas na ipatutupad para sa lahat.
Narito ang 8 sa mga pinaka pinag-usapang bagong batas:
1. Republic Act 10883 – Stricter Anti-carnapping Law
Hindi na maaaring mag piyansa ang mga makakasuhan ng Carnapping. Mas mahabang sintensyang pagkaka-kulong din ang ipapataw sa kanila, mula sa dating 17 taon at 4 na buwan, aabot na ngayon ng 20 hanggang 30 taon.
2. Republic Act 10905 – Mandatory Subtitles
Ang lahat ng mga franchise holders, operators ng mga TV networks at producers ng mga TV shows na maglagay ng subtitles sa kanilang mga programa. Ito ay para sa kapakanan ng mga manonood mula sa deaf community.
Hindi sakop ng batas na ito ang mga public service announcements na hindi tatagal ng sampung minuto at ang mga programang ipinalalabas sa pagitan ng ala-una hanggang ala-sais ng umaga.
Ang mga hindi susunod sa batas na ito ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P50,000 at hindi lalagpas ng P100,000, at maaaring makulong ng mula 6 hanggang 12 buwan. May posibilidad din na mabawi ang kanilang lisensya para mag operate.
3. Republic Act 10906 – Stronger measures for the Anti-mail-order Bride Law
Ang mga mapapatunayang gumagawa at nag-nenegosyo ng pagpapa-dala ng mga babaeng Filipino sa ibang bansa para mag pakasal sa mga foreign nationals ay ikukulong ng 15 taon at pagmumultahin ng hindi bababa sa P500,000, ngunit hindi lalagpas ng P1 million. Mas mataas na multa at mas mahigpit na parusa pa para sa mga nakapagpa-alis ng mahigit sa dalawang tao.
Sakop din ng batas pati ang mga taong nakipag sabwatan sa mga ganitong gawain. Kung ang nagpapatakbo ng mail-order bride business ay dayuhan, sila ay ipapa deport pabalik sa kanilang bansa.
4. Republic Act 10909 – Exact Change
Hindi na maaaring mag bigay ng kendi o mag “thank you” sa mamimili dahil walang panukli.
Maaari nang i-reklamo ang mga establishments na gumagawa ng ganito. Kailangan na rin mag lagay ng price tag sa mga paninda para makita agad ng mamimili kung magkano ang dapat niyang bayaran.
Narito ang mga multa sa mga mahuhuling lumalabag sa batas na ito:
P500 o 3% ng gross sales para sa unang pag labag.
P5,000 o 5% ng gross sales para sa pangalawang pag labag.
P15,000 o 7% ng gross sales at 3 buwan na suspension ng negosyo sa pangatlong pag labag.
P25,000 na multa at pagpapasara ng negosyo sa pang apat na pag labag.
5. Republic Act 10910 – Longer Prescription for Crimes of Graft and Corruption
Mas pinahaba na ang panahon para mapatawan ng sentensya ang mga makakasuhan ng graft and corruption. Ang dating 15 taon ay ginawa nang 20 taon.
6. Republic Act 10911 – Anti-age discrimination for employees
Simula August 16, 2016, wala nang diskriminasyon sa edad ng mga naga-apply ng trabaho. Bawal na din ang hindi pag bigay ng karampatang sweldo, mga oportunidad, promotion, at developmental training dahil lamang sa edad ng empleyado.
Ang mga lalabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P50,000 at hindi tataas sa P500,000 at pagkakakulong ng mula 3 buwan hanggang 2 taon.
7. Republic Act 10913 – Anti-distracted Driving Act
Bawal nang mag text, tumawag, o mag surf sa internet gamit ang mobile phone o ano pa mang electronic device habang nagmamaneho ng sasakyan.
Pagmumultahin ng P5,000 hanggang P15,000 ang mga lalabag sa batas na ito; sa pangatlong pagkakataon na mahuli ang driver, masususpinde ang kanyang driver’s license ng 3 buwan.
Sakop ng batas lahat ng uri ng sasakyan, mula bisikleta, motorsiklo, tricycle, pati mga diplomatic at government-owned vehicles.
8. Republic Act 10916 – Mandatory Speed Limiters
Kailangan nang maglagay ng speed limiter ang mga sasakyang pampubliko tulad ng mga bus, taxi, at jeep. Binibigyan ang mga operators ng 18 buwan para makapagpa lagay nito sa kanilang mga units.
Hindi papayagang ma-rehistro o mabigyan ng prangkisa ang mga sasakyang walang speed limiter at pagmumultahin pa ng P50,000.
Maaari din ma-suspinde ang lisensya ng driver at franchise permit ng operator kapag hindi ito nakapag palagay ng speed limiter pagkaraan ng 18 buwan.
Ang mga mahuhuling pinakiki-alaman ang mga speed limiters sa kanilang sasakyan para makapan-daya ay ikukulong ng 6 hanggang 36 buwan at pagmumultahin ng P30,000.
Ignorance of the law excuses no one. Responsibilidad ng bawat Pilipino na alamin kung ano ang mga bawal para maka iwas sa problem
No comments:
Post a Comment